Monday, October 29, 2012

SIGAW


This happened earlier this year, hindi ko na maalala kung anong month pero duty ako nun sa Ospital ng Palawan dito sa may Puerto Princesa City.

Ang duty ko nung ay 3pm to 11pm, ang shift na 3-11 ay ang pinaka hectic or "toxic" kung tawagin namin. Halos hindi ka makakainom ng tubig minsan at uuwi ng 1-2 oras lampas ng 11pm. malapit na matapos ang duty namin bandang 10pm na ng gabi, tahimik ang ER dahil sa konti lng pasyente namin (HIMALA*), as far as i remember ay dalawa lang at hindi critical ang patient ang natira nung oras na yun. Inaantay namin makarating ang lab results ng mga pasyente at nakaupo lng sa nurses station. Naalala ko tanaw na tanaw ko ang hallway at ang OR building sa unahan. Madilim ang daanan dun dahil nirerenovate ang part na yun. Narinig kong naguusap ang mga kasama ko at hinarap ko sila.

Maya maya ay may narinig akong tila umiiyak na ginang. Mahina ito nung una, hindi ko pinansin dahil baka guni guni ko lng. After ilang minutes naulit ito, pero ilang segundo ko lng narinig, tinignan ko mga kasama ko kung may iba bang nakakarinig. Pero busing busy sila sa pagkkwentuhan at mukhang wala namang napansin.

Pangatlong beses ay may kalakasan na, at dahil curious baka may pasyenteng nangangailangan ng tulong at para malaman kung bakit may umiiyak sinilip ko ang hallway at tinignan kung sang direksyon ko banda narinig na maaaring pinanggalingan ng iyak. Wala ako nakita sa upuan ko, tinignan ko ulet kung may nakapansin at pagtingin ko sa kanan ko ay nakatingin sakin ang kasama ko. 

Tinanong ko sya "Narinig mo?", nakakunot ang noo nya, hindi sya sumagot pero tumango na pasangayon.

habang magkaharap kami ay may sumigaw "DOOOOKKKKKK!!!!!" malinaw na malinaw na malakas na sigaw na parang humihingi ng tulong na tila naiiyak ang tono ng sigaw na nagmumula sa hallway.

Nanlaki ang mata ko at agad ako tumayo at tumakbo palabas, hinanap ko kung san nanggaling yun ngunit bakante ang mga stretcher, walang tao sa driveway, at sinilip ko rin ang daan papuntang OR na mdalim.

Wala akong nakita, Umabot na ako sa main door ng OR/DR at nagtanong kung may pasyente ba sila. Ang sagot sakin ay wala.

Pagbalik ko nakita ko sa hallway ang kasama ko na nakarinig din, ang tanong niya

"may patient ba? sino yun?".

Umiling ako, sabi ko "wala naman! nakarating nako ng OR eh."

Sa kabilang side ng hallway ay yung Admitting Section.
Tinanong ko sila "Sir, may narinig ba kayo na babaeng sumigaw?"

Sabi ng isang Clerk "wala naman, kelan yun?"

sagot ko naman "ngayon lang, ang sabi pa nga "DOK" na parang himihingi ng saklolo".

Sabi ulet ng Clerk, "wala talaga sir" nakatingin samin ang guard at tinanong ko rin siya

"Ikaw sir? may narinig ka?",

Sagot ng guard sakin "wala rin sir. at parang pabiro pa sinabi "Halaaaaahhhhhh". Tahimik kami bumalik sa loob at nagtinginan na lamang.

Napakarami nang pasyente ang namatay sa parteng iyon ng Building. Doon nilalagay panandalian and mga namatay na pasyente at hinahayaang mag mourn ang mga kamag anak sa nawalay bago ito idiretso sa morge. 

Wednesday, October 10, 2012

Doppelganger


This One happened to me personally back in early 2010. I was enrolled in the training program of DOLE and DOH, The "Nurses Assigned in Rural Service" or NARS. Nangyari ito sa Taytay District Hospital or TDH in Taytay, Palawan. Medyo similar sa kwento ng kaibigan ko pero dalawang beses nangyari sakin.

Morning shift ako non, naglalakad lng kami ng isa kong kasama papuntang TDH, maalamig at mahamog na umaga iyon. Pagdating namin sa Front Door ay nakita namin ang isang contractual nurse dun na si Ralph. Nag lolog-in siya sa logbook hindi kalayuan sa amin at ng natapos ay umakyat na papuntang nurses station. Kami ay nag log in narin at dumiretso sa Emergency Room. 

Nagpatuloy ang umaga maraming mga konsultasyon pero konti lng ang emergency cases. Isa isang kumonti ang pasyente at mamayay biglang pumasok sa isip ko nung nakita ko si Ralph nung maaga pa. 

Sabi ko sa kasama ko, "diba bababa pa-puerto si ralph? nag leave yun ang alam ko". 

Sagot ng kasama ko "Oo bakit?". Kumunot ang aking noo, napaisip ako kasi may gusto ako ipabili sa kanya sa "Puerto" dahil dun lang meron at wala sa naturang munisipyo. 

Naisip kong magbakasakali at tawagan siya sa Nurses Station sa taas upang malaman kung siyay nandoon. Nagriring ang telepono, at may sumagot na boses babae.
"Good Morning, Nurses station."

Agad kong tinanong "Ma'am, nandiyan po ba si ralph?"

Sagot sakin "ay wala sir, bakit po?"

Sagot ko ule "ahhh...wala, parang nakita ko kasi siya umakyat kanina, hindi mo napansin?"

Sagot niya "Sir wala po talaga eh."

Nagtataka na ako ng oras na yun at naisip kong I-text nalang ito. Dinampot ko ang cellphone tapos tinanong ko "pre, duty kaba?"

Lumipas ang kalahating oras at tumunog ang aking cellphone. Sabi ko "uy! may message". Nakita ko pangalan ni Ralph. Binuksan ko ang message at binasa "pre nasa puerto ako..hehe". 
Dali dali ako pumunta sa may log-in area at tinignan ang logbook iniisip ko baka nagbibiro lang siya. Hinanap ko ang pangalan ni ralph dun pero hindi ito nakita. Tumayo ang balahibo ko, hindi ako makapaniwala dahil sigurado ako na nakita ko talga siyang nag lolog-in nung kinaumagahan. Desperado na masagot ang kataka takang pangyayari tinanong ko yung kasabay ko pumasok kung napansin nya rin na naglo-log in si ralph nung maaga pa.

Sabi ng kasama ko, "oo nga napansin ko siya kanina, bakit?". Napamura ako at kinwento sa kasama ko at ipinakita ang reply ni ralph. Hanggang ngayon nakikita ko parin itsura niya habang nag susulat sa logbook tuwing inaalala ko. Sino ang taong iyon, tao ba talaga siya, pano niya nagawang mag manipesto at pano ko siya nakita roon. Iyon ang first time ko maka encounter ng doppleganger.

Monday, October 1, 2012


Story #1:

Nais ko lang i-share ang kwento ng ilang experience ko at ng ilang kwento ng friends ko sa Hospitals. Back when i was a student at nagduduty sa Ospital Ng Palawan, we were at the O.R. theater at nag-oobserve ng operations and the like.

A friend of mine experienced this one, back in 2007, he and his parter were assigned to assist a cesarean section operation, na-assist na ng groupmates nila ang pasyente towards and unto the OR table, so tinawag na silang dalawa ng kanilang Clinical Instructor na kunin ang gamit and pumunta na sa OR. Nasa hallway na sila ng partner nya papunta sa O.R. #2, pagpasok nila ng last swing door nakita nila ang OB/GYN na si "Dr. A" (Pls. note di ko sure kung alam ni doc na nangyari ito or if my memory really serves me right na siya yung nabanggit na doctor ng friend ko). Siya ay naka semi-formal attire which was strange, dahil dapat at that time dapat naka scrub suit na sila, so they thought na baka hindi natuloy ang operation. Si Doc ay tilang nagmamadaling papunta sa Delivery Room. Binati nila si Doc, hindi siya tumingin sa dalawa ng diretsa pero sa galaw nito ay tila palingon sa kanila habang papasok si Doc sa room. 

Hindi na bago ang hindi mapansin ng doktor, depende na lang sa mood ng doktor kung mag greet back sila. Ang Inisip nila ay may kukunin lamang ito dahil walang pasyente nung sa D.R. at nakapatay ang ilaw dun. Dumiretso na sila sa O.R. #2 at pagpasok ay nakita nila na malapit na magsimula at tila malapit na magalit ang Clinical Instructor. Ang nakapagtataka maliban sa Anesthesiologist ay may doktor na nakapwesto at nagpprepare ng pasyente. Hindi nila ito agad nakilala dahil naka full gear na ng gown, cap at mask and doktor at nagpatuloy sa pag assist sa operation. Pareho silang nagtataka dahil sa kaboses nito si Dr. Aralar so tinawag ng friend ko ang groupmate na nago-observe at tinanong ng pabulong kung sinong doktor ang kaharap nila. At sabi ng groupmate nya "Si Doc. A yan anu kaba!". Tumayo ang balahibo niya at nanginig ang kamay hanngang matapos ang operasyon. Maliban sa kwento na to, mayroon ding umiikot na kwentong may batang tumatakbo, batang umiiyak sa DR. Meron din nakarinig ng naghuhugas ng gamit kahit walang tao sa OR na minsan pay may nakitang mga gamit na nakalagay sa sahig.