Ang huling kwento ko na to ay nangyari sa nitong nakaraang September lang.
Dito parin sa Ospital ng Palawan, pero that time sa Medical ICU naman ako duty.
Night shift ako noon, may dalawa akong pasyente, ang set up sa ICU ay mag isa
lang ako at mga pasyente lang kasama ko. Ang routine pag gabi ay night shift
ang nagpapaligo at nagpoprovide ng morning care. Dahil bed ridden mga pasyente
at toxic, kelangan sila itagilid kada 2 hours na napakahirap gawin mag isa lang,
naisipan ko magpatulong sa Nurse's Assistant sa ward.
Sabi ko "Sir Bernie, favor naman, baka pwede magpatulong mag turn ng patient".
"Sige ba!,
punta lang ako diyan" sagot ni sir bernie. maya maya rin ay pumunta na si
sir bernie. "Oh kamusta sila tatay? *pasyente*" sambit ni sir bernie.
Sagot ko "okay naman pero tumataas baba BP ni tatay."
Sabi niya
"ahhh..". "Tara na?",sabi ko
sabi nya
"Game!". Sadyang napakabigat ng pasyenteng unconcious or yung mga may contractures na. Nung natapos na kami magtagilid ng pasyente ay biglang
nagsabi si sir Bernie "May tao?" Sabay nguso tila tinuturo ang
Comfort Room.
Sa aking pagkakakaalam ay wala pa pumasok before sakin or after
pumasok si sir bernie. Sagot ko "Wala naman" sabay chinceck ang pinto
ng CR kung may tao nga. Dahil alam ko n walang tao sinubukan ko buksan ang
pinto nito,
"naka lock!?"
sabay tumingin ako kay bernie. Nagtataka
kami. So Kumatok ako sabay tanong "may tao?" pero walang sumasagot,
maya maya ay kumatok ako ulet at inulit "may tao!?" mas malakas ang pagkakatanong ko. Wala paring
sumasagot.
"Baka may tao may narinig akong gripo eh" sabi ni sir
bernie.
Sabi ko "Wala naman ako narinig?".
Para malaman ko kung may
nakabukas na gripo or may gumagalaw sa loob idinikit ko ang aking tainga sa
pinto. Pagkatapos ng ilang segundo ng pakikinig ay wala parin ako marinig kaya
kumatok ako uli at nilakasan ko na ito. Pagkatapos na pagkatapos ko kumatok ay
may tumulak ng pinto mula sa loob, tila sinisigurado na nakasara ang pinto.
Napaatras ang ulo ko sa pwesra ng pagkakatulak at naalis ang pagkasandal.
Sabi
ko kay sir bernie "May tao nga siguro may tumulak eh!".
Hindi na namin yon pinansin, nagkwentuhan
na kami ni sir bernie pero pagkalipas ng 4-5 minutes ay wala parin akong marinig
na senyales ng tao sa loob. Kinuha ko ang susi ng CR at kumatok at nagsabi
"may tao ba? sumagot ka kasi bubuksan ko ito".
Umiral na kutob ko na
kakaiba ang nangyayari. Pagkatapos ng halos 20 seconds ay sinabi ko uli
"bubuksan ko na to ha!!!". Pinasok ko ang susi at pinihit ang
doorknob at dahan dahang binuksan. Inaantay ko ang pangggulat ng kasama pero
walang tao,walang bakas na binuksan ang gripo at wala akong maisip na paraan na kung paano natulak ang pinto ng ganun kalakas. Iniisip ko baka may ginu- good time lang ako. Namutla ako nung tuluyang pumasok para siguraduhing walang tao at makitang walang tao. Hindi ako nakaalis sa pwesto ko, parang ayaw ko
gumalaw dahil pakiramdam ko may magpapakita sa aking likuran. Nakakabingi ang katahimikan, hindi ko narin maramdaman kung nandun parin si sir bernie dahil natahimik din siya. Pinilit kong lumingon, marahil iyon na ata ang pinakamatagal kong paglingon sa buhay ko. Hindi pa ako tapos lumingon nang BIGLANG BUMUKAS ang pinto ng
ICU at halos napatalon at napamura si sir Bernie. May bumisitang kasama nya sa
ward. Dali dali si sir na lumabas ng kwarto at nagpaalam na babalik na. Ako
naman ay walang magagawa kundi magpatuloy magtrabaho at pilit alisin sa isipan ang takot.
Ang naturang ICU ay sinasabing may nagpapakitang batang maliit, tumatakbo
takbo sa loob, naka upo minsan sa mga kama na naka dangle ang legs ayon sa mga
may 3rd eye. May nagkwento pa na pasyente na nakikita nya raw sila na may
Matangkad na mama na minsay nakatayo sa likod ng Desk namin. Mayroon din kaming
tinatawag na Death Bed, na kapag hinigaan ng nurses ay parang may mabigat na
pakiramdam, dito rin maraming namatay na pasyente sa ICU.