Ang istoryang ito ay doon parin sa TDH (Taytay District Hospital) naganap.
Duty ako ng night shift nung nangyari to.
Ako ang assigned na nurse sa Emergency Room. Nagsimula ang duty ng simple, pagkatapos ma-endorse sakin ang equipments at lahat ng special endorsements ay wala paring dumarating na pasyente. Nainip ako kayat ako
ay nagpaalam na pupuntahan lang saglit ang patient na naadmit sa isolation room
hindi kalayuan sa ER upang kamustahin ito dahil sakin din ito na-admit noon.
Pumayag ang kasama ko na si Tintin at kampante ako na lisan saglit ang aking post dahil
maririnig ko naman ang ingay ng mga sasakyan pag may dumarating at tanaw ang pinto ng minor examination room na pinaglalagyan ng mga critical n pasyente. Dinalaw ko ang
pasyente at kinamusta and lagay. Interesado kasi ako sa kaso ng pasyente dahil
itoy unusual or kakaiba, tinitignan ko kung bumubuti ba ang lagay nya, kinausap
saglit, nagpaalam at umalis din agad.
Naisipan ko na bumalik, at noong malapit na ako sa ER ay nakita ko si
Tintin na paakyat sa taas papuntang Nurses Station. Tinawag ko ito at sumigaw
ng "TIN!!!", tila hindi ako narinig at dumiretso ito at umakyat.
Tatanungin ko sana kung sinong tatao sa ER kasi aakyat siya. Tumakbo ako sa
hallway at nakarating sa paanana ng hagdan. Sinilip ko ang hagdan pataas (ang
hagdan na yun ay mahaba at diretso, yung tipong 3 beses ka lng magpa akyat baba
ay gusto mo nang umuwi) ngunit hindi ko siya naabutan. Sa gilid din kasi ng
hagdan ay nandun ang x-ray room at may Comfort Room sa Tabi, naisip ko maaaring nag CR lang ito. Hindi ko na siya
inantay at bumalik na ako sa ER at baka may dumating na pasyente.
Pagdating ko
ng ER ay wala paring katao tao, walang paring dumarating na pasyente. Pagpasok palang ng pinto ay di nako mapakali. Tila ang pakiramdam ko ay may nakatingin sakin at sa bawat galaw ko'y mayroong nagmamasid. Napakarami nang kwentong kakatakutan ang kumakalat sa ospital lalo na sa Emergency Room. May mga kwento ng sumisigaw na babae, tumatakbong bata at biglang mawawala, umiiyak ng mga sanggol at iba pang pangkaraniwang nakakatakot na experience. Noong malapit na ako sa examination table ay may napansin akong madilim na figure or silhouette sa gilid ng mata
ko.*madilim kasi at pinapatay ang ilaw sa parteng yun pag night shift upang makatipid* Bumilis
ang tibok ng puso ko napahinto ako tila ito ay nakatindig at hindi gumagalaw, parang nakayuko ang ulo nito pero hindi ko makumpirma dahil sa takot lumingon. Humanda na tumakbo dahil walang ibang dapat
na tao dun dahil si Tintin ay nasa CR o kaya ay sa nurses station. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at dahan dahan kong
nilingon ito. Pakiramdam ko ay habang palingon ako nasa isip ko na mabilis na lilipad ito papunta sakin at ako'y kakagatin o sapian. Pero di ko inaasahan ng biglang itong sumigaw ng pagtining na boses na nakakabingi at nakakangilo, muntik nako mapasigaw at mapa mura at medyo napatalon sa gulat. Laking taka ko nung tumawa siya at pumunta na sa liwanag, si
Tintin pala ito.
Sabi ko "PUTTT... bwisit ka ikaw lng pla yan, wag
ganun!!". Hindi parin lubusan nawala inis ko at nagtanong "Ambilis mo
naman, san ka dumaan?".
Sagot naman ni tintin "ha?" gamit ang tonong
takang taka.
Nilinaw ko "Diba umakyat ka kanina? tinawag pa nga kita. Pano ka
nakabalik agad? may daan ba paikot galing dun?"
sagot nya "Weh?
walang daan papunta dito maliban dun, tsaka anong gagawin ko dun? Suuuss.. di
ka makakaganti! di moko matatakot". Ilang ulit ko sinabi sa kanya na totoo yun, pero ayaw
nya parin maniwala at nung nakita nyang hindi nako tumatawa at nagtatayuan na
balahibo ko dun na sya kumapit sa braso ko.
Hindi maalis sa akin isipan ang imahe na aking nakita, napakalinaw nito, hindi ako makapaniwala na guni guni ko lang iyon. Pagkatapos noon ay nagtanong tanong kami sa matatagal na staff doon. May nakapagsabi na ang hagdan nga ang isa sa pinakamadalas na pagkakitaan ng multo at iba pa.
Pagkatapos nun binubuksan na namin
ang ilaw ng ER tuwing night shift.