Ang kwentong ito ay naganap sa Surgical ICU ng Ospital Ng Palawan (ONP).
3pm-11pm shift ako nang nangyari ito, sa loob ng ICU ay nag-iisa lamang akong duty.
Noong araw na iyon ay mayroon akong pasyenteng naaksidente sa motor, tawagin natin siyang RJ dahil sa confidentiality.
Noong unang mga araw ni RJ ay alanganin ang lagay niya, Hindi ito gumigising at napakataas ng lagnat, makalipas ng ilang araw ay bumuti narin siya. Namumulat na ang kanyang mata, at naigagalaw ang kanang kamay, ngunit nakakalungkot na hindi ito nakakapagsalita at nakakaintindi. Nakatingin na lamang si RJ sa kawalan na tinatawag naming doll eyes phenomenon marahil dulot ng brain damage.
Dahil gising na si RJ, pinayagan na ang mga kamag-anak na pumasok para bumisita sa ICU na naka gown at clean area slippers. Isa sa madalas niyang bisita ay ang girlfriend nyang na tatawagin nating si Dice. Si Dice ay umuwi pa galing Manila para lang makita ang kalagayan ng boyfriend nyang si RJ.
Noong araw na iyon, halos matatapos na ang duty ko, nung nagpaalam bumisita si Dice at siya naman ay hinayaan kong pumasok. Hinihikayat ko pa nga ang mga bisita na kausapin ang pasyente at laging nilang kwentuhan. Minsa'y tinutukso namin ito upang makapag elicit ng response at parang nagagalit nga ito pag umuungol, tila kahit papano ay iniisip ng kamag anak na naroon parin si RJ kahit papaano.
Noong pumasok si Dice ay nagsisimula narin akong mag take ng vital-signs ng pasyente. Si Dice ay naupo sa tabi ng kama at hinawakan ang kamay ni RJ. Maya maya ay napansin kong nakaidlip na si Dice. Habang nirerecord ko ang vital signs ay parang narinig ko kumalampag ang beside table ng bakanteng kama sa kabila na parang sinarado ang cabinet nito, hindi ito kalakasan kaya hindi ko ito pinansin, at nung sinilip ko ay nakasarado naman ang cabinet ng table.
Maya maya ay kumalampag itong muli, nagising na si Dice, napatingin siya sakin at napatingin ako sa kanya.
Naramdaman ko ang lumakas ang tibok ng aking puso dahil napaisip nako na hindi ko lang guni guni ito at tumunog na talaga ang cabinet. Tumayo ako mula sa silya, dahan dahan ako lumapit sa bakanteng kama para muli itong silipin. Malamig ang kwarto dahil sa air-conditioning, pero nararamdaman kong namumuo na ang pawis sa aking noo at ilong. Isang hakbang pa ay masisilayan ko na ang cabinet, at nang matanaw ay nakapagtataka na nakasarado parin ito. Napalunok ako at nilingon si Dice, Tila'y maiiyak na ito, kaya naglakas loob akong tumawa na lamang pero sa loob ay kinakabahan narin ako. Umatras ako at pumunta nalang sa tabi ni RJ, nakatingin parin si Dice sa akin at nagtanong, "Ano yon?".
Sumagot ako "Baka sa kabilang kwarto lang, ply wood lang kasi harang eh" sabay ngiti ako nang pilit.
Pilit ko itong wag nalang pansinin at napansing nakaligtaan kong kunin yung temperature ni RJ. Hinanap ko ng hinanap ang thermometer, pero hindi ko ito makita. Hinanap ko ito sa bedside table dahil doon namin ito palaging nilalagay . Tinanong ko si Dice kung nakita niya ito at umiling iling lamang siya. Naiinis nako sa kakahanap, hinaluglog ko nang lahat nang puwedeng mapagpatungan nito pero hindi parin namin makita. after 10 mins sumuko narin ako't, kumuha nalang ng ibang thermometer at kinuha na ang temperature ni RJ.
"Normal naman" sabi ko para mabasag narin ang katahimikan. Napatingin si Dice sabay sabi, "Halaaahhhhh." biro ni dice na tila nananakot ang tono. Ngumiti lamang ako at nirecord ang Vital Signs. Habang nirerecord ito ay hindi ko mapigilan isipin paano nawala ang thermometer, napapakamot narin ako baka mapagalitan ng senior ko kasi may nawawalang gamit.
Maya maya ay tila narinig ko si Dice na parang umiiyak, napatingin ako at tinanong "Oh, bakit?". Hindi ito nakapagsalita, tumayo at napaatras mula sa kama. Napaluha ito, nakatitig sa kama ni RJ. Tinignan ko ang cardiac monitor ni RJ at nakitang wala namang kakaiba. Lumapit na ako para tanungin si Dice, hindi siya nagsasalita at tinuro na lamang nito ang kama. Sabay sabi ko "Ha? Anong meron?", sinundan ko ang direksyon na tinuturo niya, at napahawak ako sa mattress, doon pumasok sa isip ko yung hilig ni Dice na ipasok ang paa niya sa ilalim ng mattress. Sinilip ko ang ilalim ng kama, Nanlaki ang mata ko at nagtayuan ang aking balahibo. Halos mapamura narin ako sa gulat, naroon sa ilalim ng mattress ang thermometer. Napahinto lang ako sa pwesto ko ng ilang segundo, gulong gulo ako kung paano nangyari iyon. Kinuha ko ito, at nakilalang yung na nga ang nawawalang thermometer. Umupo muli si Dice sa tabi ni RJ, humigpit ang hawak nito sa kamay niya. Bumalik ako sa table ko, pilit kong iniisip kung paano nakarating doon ang thermometer. May nangloloko kaya samin?, imposible dahil ako lang ang nasa kwarto bago dumating si Dice, at ginamit ko ang thermometer isang oras bago ito nawala. Sabi ko "Dice, hindi ikaw naglagay nito?" Inisip ko na marahil ay ginu-goodtime lang ako ni Dice, pero imposible rin dahil kelangan niyang iangat ang mattress para maabot mo ang gitang bahagi nito, na kahit ako ngang lalaki ay hirap na hirap iangat ito gamit ang dalawa kong kamay. Sagot ni Dice "Hindi kuya" at takot na takot ito. Para hindi matakot pa muli si Dice ay tumawa nalang ako at umiling na nagkukunwaring bale wala ito. Nakatingin lamang si Dice sa akin, at ako'y nagkunwaring subsob sa pagbabasa ng chart at kunwaring may sinusulat. Nakalipas ang ilang minuto ay lumabas narin si Dice.
Kinabukasan, nakita ko muli si Dice, wala siyang binanggit tungkol sa insidente. Hindi ko narin ito binaggit hanggang sa ma-transfer sa Surgical Ward si RJ.
Makalipas ang ilang buwan ay nagkaroon ako ng Trainee, Isang lalaking Clinical Instructor(CI) mula sa isang College. Ka batch ko siya nung highschool pa kami, pero magkaiba kami ng Institution na kinunan ng Nursing. Inaaral nya ang routine ng ICU para magabayan ng mahusay ang kanyang mga estudyante sa loob ng ICU.
Marami kaming napagkwentuhan,Tumawa na lamang ako at napansin kong oras na pala ng pagkuha ng Vital Signs. Nahalata nya ang gagawin ko sabay sabi "Ako na Sir!!" ang ganti ko naman "Nako wag na, nakakahiya". Pero lumapit na siya sa pasyente at kinuha ang Vital Signs, wala na akong nagawa kundi panuorin siya at kumamot ng ulo. Maya maya napansin kong tila may hinahanap ito, hinayaan ko lang. Pagkalipas ng ilang minuto ay sinabi nyang nawawala ang thermometer. Tinulungan ko ito sa paghahanap, pabalik balik kami sa mga pwestong puwedeng napagpatungan nito. Maya maya'y sumuko na kaming pareho at inilabas na lamang niya ang baon nyang thermometer at ginamit ito sa pasyente. Doon ko naisip na silipin ang ilalim ng kama, nung napansin kong wala ito rito ay tumawa ako ng malakas na ikinagulat ng kasama ko. Tanong niya "Bakit Sir? nakita mo na?". Sabi ko "Hindi, pero ganito talaga dito may nangunguha ng gamit". Bakas sa mukha niya ang pagkagulo ng isip, lumingon siya sa table at nakita ang thermometer na kitang kitang nakapatong doon. Sabi nya "Sir, eto pala nakapatong oh, pero hinalungkat ko narin ito kanina ah". Nagulat ako sa sinabi niya at sabi "Eh ilang beses tayong pabalik balik diyan diba? imposible namang di natin nakita pareho."
Nagtayuan muli ang balahibo ko at tinanong ko siya "Sir, wala nga sa biro, hindi ikaw naglagay diyan?" Sagot naman niya "Sir, Hindi talaga ako". Napangiti nalang akong tumingin sa kanya, nakatayo parin ang aking mga balahibo habang ikinuwento ang nakaraang pangyayari sa kanya.