Wednesday, November 7, 2012

Tulak


Ang huling kwento ko na to ay nangyari sa nitong nakaraang September lang. Dito parin sa Ospital ng Palawan, pero that time sa Medical ICU naman ako duty.

Night shift ako noon, may dalawa akong pasyente, ang set up sa ICU ay mag isa lang ako at mga pasyente lang kasama ko. Ang routine pag gabi ay night shift ang nagpapaligo at nagpoprovide ng morning care. Dahil bed ridden mga pasyente at toxic, kelangan sila itagilid kada 2 hours na napakahirap gawin mag isa lang, naisipan ko magpatulong sa Nurse's Assistant sa ward.

Sabi ko "Sir Bernie, favor naman, baka pwede magpatulong mag turn ng patient". 

"Sige ba!, punta lang ako diyan" sagot ni sir bernie. maya maya rin ay pumunta na si sir bernie. "Oh kamusta sila tatay? *pasyente*" sambit ni sir bernie.

Sagot ko "okay naman pero tumataas baba BP ni tatay."

Sabi niya "ahhh..". "Tara na?",sabi ko

sabi nya "Game!". Sadyang napakabigat ng pasyenteng unconcious or yung mga may contractures na. Nung natapos na kami magtagilid ng pasyente ay biglang nagsabi si sir Bernie "May tao?" Sabay nguso tila tinuturo ang Comfort Room. 

Sa aking pagkakakaalam ay wala pa pumasok before sakin or after pumasok si sir bernie. Sagot ko "Wala naman" sabay chinceck ang pinto ng CR kung may tao nga. Dahil alam ko n walang tao sinubukan ko buksan ang pinto nito, 

"naka lock!?"

sabay tumingin ako kay bernie. Nagtataka kami. So Kumatok ako sabay tanong "may tao?" pero walang sumasagot, maya maya ay kumatok ako ulet at inulit "may tao!?" mas malakas ang pagkakatanong ko. Wala paring sumasagot. 

"Baka may tao may narinig akong gripo eh" sabi ni sir bernie.

Sabi ko "Wala naman ako narinig?".

Para malaman ko kung may nakabukas na gripo or may gumagalaw sa loob idinikit ko ang aking tainga sa pinto. Pagkatapos ng ilang segundo ng pakikinig ay wala parin ako marinig kaya kumatok ako uli at nilakasan ko na ito. Pagkatapos na pagkatapos ko kumatok ay may tumulak ng pinto mula sa loob, tila sinisigurado na nakasara ang pinto. Napaatras ang ulo ko sa pwesra ng pagkakatulak at naalis ang pagkasandal.

Sabi ko kay sir bernie "May tao nga siguro may tumulak eh!".

Hindi na namin yon pinansin, nagkwentuhan na kami ni sir bernie pero pagkalipas ng 4-5 minutes ay wala parin akong marinig na senyales ng tao sa loob. Kinuha ko ang susi ng CR at kumatok at nagsabi

"may tao ba? sumagot ka kasi bubuksan ko ito".

Umiral na kutob ko na kakaiba ang nangyayari. Pagkatapos ng halos 20 seconds ay sinabi ko uli 

"bubuksan ko na to ha!!!". Pinasok ko ang susi at pinihit ang doorknob at dahan dahang binuksan. Inaantay ko ang pangggulat ng kasama pero walang tao,walang bakas na binuksan ang gripo at wala akong maisip na paraan na kung paano natulak ang pinto ng ganun kalakas. Iniisip ko baka may ginu- good time lang ako. Namutla ako nung tuluyang pumasok para siguraduhing walang tao at makitang walang tao. Hindi ako nakaalis sa pwesto ko, parang ayaw ko gumalaw dahil pakiramdam ko may magpapakita sa aking likuran. Nakakabingi ang katahimikan, hindi ko narin maramdaman kung nandun parin si sir bernie dahil natahimik din siya. Pinilit kong lumingon, marahil iyon na ata ang pinakamatagal kong paglingon sa buhay ko. Hindi pa ako tapos lumingon nang BIGLANG BUMUKAS ang pinto ng ICU at halos napatalon at napamura si sir Bernie. May bumisitang kasama nya sa ward. Dali dali si sir na lumabas ng kwarto at nagpaalam na babalik na. Ako naman ay walang magagawa kundi magpatuloy magtrabaho at pilit alisin sa isipan ang takot. 

Ang naturang ICU ay sinasabing may nagpapakitang batang maliit, tumatakbo takbo sa loob, naka upo minsan sa mga kama na naka dangle ang legs ayon sa mga may 3rd eye. May nagkwento pa na pasyente na nakikita nya raw sila na may Matangkad na mama na minsay nakatayo sa likod ng Desk namin. Mayroon din kaming tinatawag na Death Bed, na kapag hinigaan ng nurses ay parang may mabigat na pakiramdam, dito rin maraming namatay na pasyente sa ICU.

Monday, October 29, 2012

SIGAW


This happened earlier this year, hindi ko na maalala kung anong month pero duty ako nun sa Ospital ng Palawan dito sa may Puerto Princesa City.

Ang duty ko nung ay 3pm to 11pm, ang shift na 3-11 ay ang pinaka hectic or "toxic" kung tawagin namin. Halos hindi ka makakainom ng tubig minsan at uuwi ng 1-2 oras lampas ng 11pm. malapit na matapos ang duty namin bandang 10pm na ng gabi, tahimik ang ER dahil sa konti lng pasyente namin (HIMALA*), as far as i remember ay dalawa lang at hindi critical ang patient ang natira nung oras na yun. Inaantay namin makarating ang lab results ng mga pasyente at nakaupo lng sa nurses station. Naalala ko tanaw na tanaw ko ang hallway at ang OR building sa unahan. Madilim ang daanan dun dahil nirerenovate ang part na yun. Narinig kong naguusap ang mga kasama ko at hinarap ko sila.

Maya maya ay may narinig akong tila umiiyak na ginang. Mahina ito nung una, hindi ko pinansin dahil baka guni guni ko lng. After ilang minutes naulit ito, pero ilang segundo ko lng narinig, tinignan ko mga kasama ko kung may iba bang nakakarinig. Pero busing busy sila sa pagkkwentuhan at mukhang wala namang napansin.

Pangatlong beses ay may kalakasan na, at dahil curious baka may pasyenteng nangangailangan ng tulong at para malaman kung bakit may umiiyak sinilip ko ang hallway at tinignan kung sang direksyon ko banda narinig na maaaring pinanggalingan ng iyak. Wala ako nakita sa upuan ko, tinignan ko ulet kung may nakapansin at pagtingin ko sa kanan ko ay nakatingin sakin ang kasama ko. 

Tinanong ko sya "Narinig mo?", nakakunot ang noo nya, hindi sya sumagot pero tumango na pasangayon.

habang magkaharap kami ay may sumigaw "DOOOOKKKKKK!!!!!" malinaw na malinaw na malakas na sigaw na parang humihingi ng tulong na tila naiiyak ang tono ng sigaw na nagmumula sa hallway.

Nanlaki ang mata ko at agad ako tumayo at tumakbo palabas, hinanap ko kung san nanggaling yun ngunit bakante ang mga stretcher, walang tao sa driveway, at sinilip ko rin ang daan papuntang OR na mdalim.

Wala akong nakita, Umabot na ako sa main door ng OR/DR at nagtanong kung may pasyente ba sila. Ang sagot sakin ay wala.

Pagbalik ko nakita ko sa hallway ang kasama ko na nakarinig din, ang tanong niya

"may patient ba? sino yun?".

Umiling ako, sabi ko "wala naman! nakarating nako ng OR eh."

Sa kabilang side ng hallway ay yung Admitting Section.
Tinanong ko sila "Sir, may narinig ba kayo na babaeng sumigaw?"

Sabi ng isang Clerk "wala naman, kelan yun?"

sagot ko naman "ngayon lang, ang sabi pa nga "DOK" na parang himihingi ng saklolo".

Sabi ulet ng Clerk, "wala talaga sir" nakatingin samin ang guard at tinanong ko rin siya

"Ikaw sir? may narinig ka?",

Sagot ng guard sakin "wala rin sir. at parang pabiro pa sinabi "Halaaaaahhhhhh". Tahimik kami bumalik sa loob at nagtinginan na lamang.

Napakarami nang pasyente ang namatay sa parteng iyon ng Building. Doon nilalagay panandalian and mga namatay na pasyente at hinahayaang mag mourn ang mga kamag anak sa nawalay bago ito idiretso sa morge. 

Wednesday, October 10, 2012

Doppelganger


This One happened to me personally back in early 2010. I was enrolled in the training program of DOLE and DOH, The "Nurses Assigned in Rural Service" or NARS. Nangyari ito sa Taytay District Hospital or TDH in Taytay, Palawan. Medyo similar sa kwento ng kaibigan ko pero dalawang beses nangyari sakin.

Morning shift ako non, naglalakad lng kami ng isa kong kasama papuntang TDH, maalamig at mahamog na umaga iyon. Pagdating namin sa Front Door ay nakita namin ang isang contractual nurse dun na si Ralph. Nag lolog-in siya sa logbook hindi kalayuan sa amin at ng natapos ay umakyat na papuntang nurses station. Kami ay nag log in narin at dumiretso sa Emergency Room. 

Nagpatuloy ang umaga maraming mga konsultasyon pero konti lng ang emergency cases. Isa isang kumonti ang pasyente at mamayay biglang pumasok sa isip ko nung nakita ko si Ralph nung maaga pa. 

Sabi ko sa kasama ko, "diba bababa pa-puerto si ralph? nag leave yun ang alam ko". 

Sagot ng kasama ko "Oo bakit?". Kumunot ang aking noo, napaisip ako kasi may gusto ako ipabili sa kanya sa "Puerto" dahil dun lang meron at wala sa naturang munisipyo. 

Naisip kong magbakasakali at tawagan siya sa Nurses Station sa taas upang malaman kung siyay nandoon. Nagriring ang telepono, at may sumagot na boses babae.
"Good Morning, Nurses station."

Agad kong tinanong "Ma'am, nandiyan po ba si ralph?"

Sagot sakin "ay wala sir, bakit po?"

Sagot ko ule "ahhh...wala, parang nakita ko kasi siya umakyat kanina, hindi mo napansin?"

Sagot niya "Sir wala po talaga eh."

Nagtataka na ako ng oras na yun at naisip kong I-text nalang ito. Dinampot ko ang cellphone tapos tinanong ko "pre, duty kaba?"

Lumipas ang kalahating oras at tumunog ang aking cellphone. Sabi ko "uy! may message". Nakita ko pangalan ni Ralph. Binuksan ko ang message at binasa "pre nasa puerto ako..hehe". 
Dali dali ako pumunta sa may log-in area at tinignan ang logbook iniisip ko baka nagbibiro lang siya. Hinanap ko ang pangalan ni ralph dun pero hindi ito nakita. Tumayo ang balahibo ko, hindi ako makapaniwala dahil sigurado ako na nakita ko talga siyang nag lolog-in nung kinaumagahan. Desperado na masagot ang kataka takang pangyayari tinanong ko yung kasabay ko pumasok kung napansin nya rin na naglo-log in si ralph nung maaga pa.

Sabi ng kasama ko, "oo nga napansin ko siya kanina, bakit?". Napamura ako at kinwento sa kasama ko at ipinakita ang reply ni ralph. Hanggang ngayon nakikita ko parin itsura niya habang nag susulat sa logbook tuwing inaalala ko. Sino ang taong iyon, tao ba talaga siya, pano niya nagawang mag manipesto at pano ko siya nakita roon. Iyon ang first time ko maka encounter ng doppleganger.

Monday, October 1, 2012


Story #1:

Nais ko lang i-share ang kwento ng ilang experience ko at ng ilang kwento ng friends ko sa Hospitals. Back when i was a student at nagduduty sa Ospital Ng Palawan, we were at the O.R. theater at nag-oobserve ng operations and the like.

A friend of mine experienced this one, back in 2007, he and his parter were assigned to assist a cesarean section operation, na-assist na ng groupmates nila ang pasyente towards and unto the OR table, so tinawag na silang dalawa ng kanilang Clinical Instructor na kunin ang gamit and pumunta na sa OR. Nasa hallway na sila ng partner nya papunta sa O.R. #2, pagpasok nila ng last swing door nakita nila ang OB/GYN na si "Dr. A" (Pls. note di ko sure kung alam ni doc na nangyari ito or if my memory really serves me right na siya yung nabanggit na doctor ng friend ko). Siya ay naka semi-formal attire which was strange, dahil dapat at that time dapat naka scrub suit na sila, so they thought na baka hindi natuloy ang operation. Si Doc ay tilang nagmamadaling papunta sa Delivery Room. Binati nila si Doc, hindi siya tumingin sa dalawa ng diretsa pero sa galaw nito ay tila palingon sa kanila habang papasok si Doc sa room. 

Hindi na bago ang hindi mapansin ng doktor, depende na lang sa mood ng doktor kung mag greet back sila. Ang Inisip nila ay may kukunin lamang ito dahil walang pasyente nung sa D.R. at nakapatay ang ilaw dun. Dumiretso na sila sa O.R. #2 at pagpasok ay nakita nila na malapit na magsimula at tila malapit na magalit ang Clinical Instructor. Ang nakapagtataka maliban sa Anesthesiologist ay may doktor na nakapwesto at nagpprepare ng pasyente. Hindi nila ito agad nakilala dahil naka full gear na ng gown, cap at mask and doktor at nagpatuloy sa pag assist sa operation. Pareho silang nagtataka dahil sa kaboses nito si Dr. Aralar so tinawag ng friend ko ang groupmate na nago-observe at tinanong ng pabulong kung sinong doktor ang kaharap nila. At sabi ng groupmate nya "Si Doc. A yan anu kaba!". Tumayo ang balahibo niya at nanginig ang kamay hanngang matapos ang operasyon. Maliban sa kwento na to, mayroon ding umiikot na kwentong may batang tumatakbo, batang umiiyak sa DR. Meron din nakarinig ng naghuhugas ng gamit kahit walang tao sa OR na minsan pay may nakitang mga gamit na nakalagay sa sahig.